Maghahain ng pormal na reklamo ang Office of the Ombudsman laban sa mga indibidwal na nagpapakalat ng fake news upang sirain ang tiwala ng publiko sa kaniyang tanggapan.
Tinukoy ni Ombudsman Jesus Crispin “Boying” Remulla ang isang blog ukol sa kaso ni dating House Speaker Martin Romualdez na naglalayon umanong maimpluwensyahan ang opinyon ng publiko gamit ang maling impormasyon.
Mariin din niyang pinabulaanan ang mga kumakalat na ulat sa social media na siya ay may sakit na leukemia.
Nilinaw ng opisyal na halos tatlong taon na siyang malaya mula sa kanser at ang mga ganitong maling balita ay sadyang ibinabato upang bawasan ang kumpiyansa ng tao sa ahensya.
Dahil dito, makikipag-ugnayan at maghahain ng reklamo ang Ombudsman sa Facebook at Department of Information and Communications Technology (DICT) upang maipatanggol ang integridad ng kaniyang tanggapan at ipatanggal ang mga nakaliligaw na post.
















