-- Advertisements --

Pinalitan ng Senado sina Senators Ronald “Bato” dela Rosa at Joel Villanueva bilang miyembro ng Senate Committee on Ethics and Privileges.

Pinalitan sila nina Senators Imee Marcos at Rodante Marcoleta matapos ihain ni Majority Leader Migz Zubiri ang mosyon kaugnay ng posibleng conflict of interest.

Ayon kay Senate Ethics Committee Chair JV Ejercito, handa na ang panel na kumilos matapos makumpleto ang membership nito. Ihahanda na rin ang draft ng committee rules at ipapasa sa mga miyembro para sa komento bago ang opisyal na organizational meeting sa susunod na linggo.

Samantala, sinabi ni Senate President Pro Tempore Ping Lacson na pinag-aaralan ng Senado ang posibilidad na suspindihin o ipahinto ang sahod ni Dela Rosa, na hindi nakadalo sa sesyon mula Nobyembre, ngunit kailangan munang irekomenda ito ng ethics committee at aprubahan ng plenaryo.

Ayon kay dating senador Antonio Trillanes IV, plano rin niyang magsampa ng ethics complaint laban kay Dela Rosa pagsapit ng Marso, o bandang ika-anim na buwan ng kanyang kawalan sa Senado. (report by Bombo Jai)