BUTUAN CITY – Matagumpay na nasabat ng Philippine Drug Enforcement Agency o PDEA-Caraga ang tinatayang aabot sa 95.2 million pesos na halaga sa shabu na isinilid sa gulong ng sasakyan sa operasyong isinagawa sa Lipata Ferry Terminal sa Barangay Lipata, Surigao City kagabi.
Naaresto naman ang suspek na nakilalang si Sultan Kinento, 23 anyos at residente sa Taguig, Metro Manila.
Ayon kay Philippine Drug Enforcement Agency o PDEA-Caraga Regional Director Laurifel Gabales nakatanggap sila ng impormasyon bandang alas 5:00 kahapon kaugnay sa isang Toyota Hilux pick-up na galing sa Cotabato at nagkarga ng illegal na droga patungo sa Surigao City sa pamamagitan ng RORO vessel.
Bandang alas 11:32 na sa gabi nang nakita ang sasakyan sa Lipata Ferry Terminal at pina-hold para sa verification hanggang nadiskubre na itinago ang droga sa gulong ng sasakyananan ang illegal nga droga.
Hiniwa pa nila ang gulong hanggang lumantad ang 14 na bloke sa transparent cellophane na may lamang shabu na aabot sa 14 kilo ang bigat.
















