Nilinaw ng Department of Justice (DOJ) na wala pang kumpirmasyon kung nagtatago sa Portugal ang dating mambabatas na si Zaldy Co.
Ayon kay DOJ Spokesperson Atty. Polo Martinez, may natanggap mang impormasyon ang gobyerno ukol dito, kinakailangan parin daw itong beripikahin upang maiwasan ang mga hindi kumpirmadong alegasyon.
Dagdag niya, wala ring kasalukuyang extradition treaty ang Pilipinas at Portugal sakaling nandoon nga si Co.
Samantala, una nang sinabi ni Interior Secretary Jonvic Remulla na umano’y naninirahan si Co sa isang gated community sa Lisbon.
Posible umanong makipag-ugnayan ang Department of Foreign Affairs sa mga awtoridad ng Portugal upang matukoy ang kinaroroonan ni Co.
Nilinaw rin ng DOJ na hindi pa beripikado ang ulat na may ipinadalang “feelers” si Co para makipag-dayalogo sa pamahalaan.
















