-- Advertisements --
Pinagpapaliwanag na ng Department of Transportation (DOTr) ang pamunuan ng Metro Rail Transit (MRT)-3 dahil sa reklamo na pagkakaroon ng ilang insekto sa mga upuan ng mga bagon.
Ayon sa DOTr, na kanilang ipinagbigay alam sa namumuno ng MRT-3 ang nasabing usapin.
Tiniyak naman sa kanila na magsasagawa sila ng paglilinis para mawala na ang mga insekto.
Magugunitang isinawalat ng isang pasahero na nakagat pa ito ng insekto habang nakahawak sa bahagi ng upuan sa loob ng MRT-3.
















