-- Advertisements --

Kinondina ng Syria ang ginawang pag-atake sa power station Saudi Arabia.

Tinawag pa ng Syria ang nasabing pag-atake bilang ‘flagrant violations’ ng soberanya ng Saudi Arabia at international law.

Iginiit ng Ministry of Foreign Affairs and Expatriates na suportado nila ang Saudi Arabia at handa nilang tulungan ang nasabing bansa para maprotektahan ang kanilang seguridad.

Kasabay din nito ay nanawagan sila ng agarang pagtigil ng pag-atake at pagtarget sa mga civilian sites at banal na lugar.

Magugunitang naglunsad ang Houthi rebels ng air strike sa electricity distribution sa Medina City ng Saudi Arabia.