-- Advertisements --

Ipagpapatuloy pa rin ng transport group na Manilbela ang kanilang nakatakdang tigil-pasada sa araw ng Lunes.

Ayon kay Manibela president Mar Valbuena, na kahit na aprubado na ng Department of Transportation (DOTr) ang taas pasahe ay kulang pa rin ito.

Dagdag pa nito na mahalaga na mapakinggan pa ng gobyerno ang kanilang naunang hirit na mayroong dagdag na pamasahe.

Pinasalamatan din ni Valbuena si Pangulong Ferdinand Marcos Jr dahil sa nasabing pag-apruba ng dagdag pamasahe.

Umaasa naman ito na itinakdang tigil pasada ay tuluyan ng mapapakinggan ng gobyerno ang ilang mga hirit na.