-- Advertisements --

Posibleng may 20 pang indibidwal na lumantad upang tumestigo bilang umano’y “bagmen” ni dating Ako Bicol Partylist Rep. Elizaldy “Zaldy” Co, ayon kay NBI Director Melvin Matibag.

Ayon sa NBI chief, may 103 katao umano ang na-recruit para sa naturang gawain. Sa bilang na ito, 38 ang pumayag, kabilang ang 18 dating Marines na nauna nang lumantad, kaya posibleng may 20 pang susunod na testigo.

Nilinaw ng NBI na hindi lahat ng 103 ay Marines, dahil may ilan ding driver at sibilyan.

Nauna nang ipinakilala ni Atty. Levito Baligod ang 18 indibidwal na nagsabing nagsilbi silang bagmen sa umano’y P805 bilyong kickback mula sa mga maanomalyang flood control projects.