-- Advertisements --

Nakapiit na sa Quezon City Female Dormitory matapos boluntaryong sumuko si dating Iriga City , Camarines Sur Mayor Madelaine Arlene Yorobe Alfelor.

Kasunod ito sa paglabas ng kaniyang warrant of arrest mula sa Fourth Division ng Sandiganbayan dahil sa umanoy malversation ng government funds noong 2022 na nagkakahalaga ng P31 milyon.

Ang kaso ay kinabibilangan din ng malversation of public funds o property sa pamamagitan ng falsification of an official document.

May kaugnayan ang kaso sa pamamahagi nito ng mga ayuda noong kasagsagan ng COVID-19 pandemic.

Kasamang kinasuhan sina dating city treasurer Jean Aquino Bongon at dating supervising administrative officer Ruben Salazar Delos Santos .

Naaresto naman si Delos Santos sa kaniyang bahay sa Moonwalk ,Paranaque City nitong Setyembre 22.

Inatasan ang mga otoridad na dalhin ang mga akusado sa Sandiganbayan.