Ipinadala kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang panukalang batas para sa pagpapalawig ng termino ng mga halal na Barangay at Sangguniang Kabataan officials.
Kinumpirma ito ni Senate President Sherwin Gatchalian matapos maaprubahan ng Senado at Kamara ang panukala.
Ayon kay Gatchalian, kumpiyansa siyang lalagdaan ito ng Pangulo.
Umaasa rin ang Senate President na mapipirmahan ni Marcos ang panukala ngayong Linggo.
Hindi na dumaan sa bicameral conference ang panukala matapos i-adopt ng House of Representatives ang bersyon na inaprubahan ng Senado.
Sa ilalim ng panukala, muling ipagpapaliban ang Barangay at Sangguniang Kabataan Elections o BSKE.
Nakatakda sanang isagawa ang BSKE sa Nobyembre 2, ngunit sa oras na maging batas ang panukala, maaantala muli ang halalan.
















