Mananatili muna sa Cardinal Santos Medical Center sa Lungsod ng San Juan si Leyte Representive Martin Romualdez.
Ayon kaySandiganbayan Third Division Clerk of Court Atty. Dennis Pulma, na hanggang walang kautusan mula sa Sandiganbayan ay hindi muna nila ito maililipat sa kulungan sa Quezon City Jail.
Hindi pa kasi natatapos ang deliberasyon sa mosyon ni Romualdez na humihirit ng maaring doon muna ang mambabatas sa pagamutan dahil sa mga nararanasan karamdaman.
Si Romualdez ay nahaharap sa P7.4 bilyon na plunder case na may kinalaman sa anomalya sa flood control projects.
Nakatanggap umano ng mga kickbacks sa Romualdez mula taong 2022 hanggang 2025 mula kay dating House appropriations panel na pinangangasiwaan ni Zaldy Co.
Magugunitang nitong Huwebes, Setyembre 10 ng magpalabas ng kautusan ang Sandiganbayan na ipasakamay na ng Philippine National Police (PNP) sa Bureau of Jail Management and Penology ang pagbibigay ng seguridad kay Romualdez.
















