MULING nagsagawa ng brutal na pag-atake ang Russia sa dalawang malaking lungsod sa Ukraine sa kabila ng isinasagawang peace talk sa pagitan ng dalawang bansa sa Abu Dhabi.
Ang naturang pag-atake at nagdulot ng pagkawala ng supply ng kuryente sa mahigit 1.2 million na gusali sa buong Ukraine.
Una nang sinabi ng Washington at ni Ukrainian President Zelensky na ang isinagawang peace talk noong Biyernes at Sabado ay naging produktibo.
Matapos ang meeting, ibinahagi ni Zelensky sa kanyang X aacount ang ilang detalye ng mga pinag-usapan sa pagpupulong kabilang na ang ilang mga parametro para tapusin ang giyera.
Ayon naman sa US Official, asahan ang mga serye ng pag-uusap sa Abu Dhabi sa susunod na linggo.
Sa kabila ng ng isinasagawang peace talk, hindi naman tumigil ang Moscow sa pagpapakawala ng daan-daang missile at drone sa Kyiv and Kharkiv na dalawang malalaking lungsod sa Ukraine nitong Sabado ng umaga.
Malaking problema ngayon ang supply ng kuryente doon lalo’t ang temperatura ay umaabot sa -13C (8.6F) .
Matapos ang pag-atake , nag-iwan ito ng isang indibidwal na nasawi habang aabot sa 31 na katao ang sugatan.














