-- Advertisements --

Inamin ni Ukriane President Volodymyr Zelensky na nagkukulang na sila ng air defense supplies.

Sinabi nito na tuloy-tuloy ang ginagawang pag-atake ng Russia sa kanila kaya naubos ang pangontra sa kanila.

Dahil dito ay humingi ito ng tulong sa mga kaalyado para mapalakas ang kanilang air-defense.

Magugunitang mas pinaigting ng Russia ang kanilang pag-atake sa Ukraine kung saan tinamaan ang ilang pasilidad nila.