-- Advertisements --
Magkakasabay na nagpatupad ang mga kumpanya ng langis ng taas presyo sa kanilang produkto.
Kaninang alas-6 ng umaga ng ipinatupad ang P1.90 na dagdag sa kada litro ng gasolina.
Habang mayroong dagdag na P1.20 sa kada litro ng diesel at ang kerosene naman ay mayroong dagdag na P1.50 sa kada litro.
Ayon sa Department of Energy (DOE) na ang nasabing taas presyo ay siyang resulta ng sigalot sa Gitnang Silangan.
Wala pa aniya ito sa nangyayaring pag-atake ng US at Israel sa Iran kung saan sa susunod na linggo ay asahan ang mas mataas na dagdag presyo sa kada litro ng mga produktong petrolyo.
















