-- Advertisements --

Sinimulan na ng National Bureau of Investigation (NBI) ang imbestigasyon sa pagkakakilanlan at background ng mga dating Marines na umano’y naging bagmen at security aides ni dating Ako-Bicol Partylist Representatives Zaldy Co.

Sinabi ni NBI Director Melvin Matibag, na kanilang inaalam mabuti kung may katotohanan ang alegasyon ng nasabing grupo.

Hinikayat din ni Matibag si Atty.Levi Baligod na lumapit sa kanilang opisina para makatulong sa imbestigasyon.

Handa rin silang maglabas ng subpoena para mapilitang dumalo ang mga ito sa kanilang imbestigasyon.

Magugunitng lumantad ang 18 dating marines na nag-deliver umano ng maletang naglalaman ng pera sa 30 mga opisyal ng gobyerno kasama si Pangulong Ferdinand Marcos Jar at House Speaker Martin Romualdez.