-- Advertisements --

Inihayag ng National Bureau of Investigation o NBI na patuloy ang kanilang pag-iimbestigang isinasagawa sa mga alegasyon ni Rodulfo Gracioso Jr.

Sa panayam, ibinahagi ni NBI Dir. Atty. Melvin Matibag na kasalukuyan bineberipika ng kawanihan ang mga paratang ni Gracioso. 

Bagama’t sumailalim na sa makaraan ‘lie detector test’ si Gracioso, iginiit ng direktor na hindi ito sapat kaya’t tuloy-tuloy pa rin ang imbestigasyon. 

Una aniyang tinututukan ng kanilang ‘investigation team’ ay ang masuri at ma-validate ang ‘claim’ ni Gracioso sa relasyon nito kay former House Speaker Lord Allan Velasco, at asawang si Rowena Amara Velasco. 

Mahalaga raw kasing ma-establish muna ang relasyon nito sa mga Velasco sa pagpapatuloy ng imbestigasyon. 

Ayon sa direktor, nakumpirma na ng National Bureau of Investigation ang ilan sa mga binabanggit ni Gracioso na ‘cash houses’. 

Dalawa sa pitong sinasabing ‘cash houses’ ay na-validate at na-establish aniya ng NBI na pagmamay-ari ng mag-asawang Velasco. 

Habang ibinahagi naman ni NBI Dir. Matibag na inamin ni Rowena Velasco na talagang pagmamay-ari nila ang bahay sa Sampaguita at Champaca Street. 

Bukod pa rito’y nagbanggit din ng iba pang impormasyon ang direktor na aniya’y nagpapakita na posibleng may katotohanan ang mga salaysay ni Gracioso lalo na patungkol sa mga binanggit na ‘assets’. 

Kaya’t susuriin aniya ang mga rekords at dokumento sa Securities and Exchange Commission, Bureau of Internal Revenue, Anti-Money Laundering Council at iba pa. 

Si Gracioso Jr. ay dating security aide ni former House Speaker Velasco na nagsiwalat ng mga alegasyon pag-deliver ng pera sa ilang mga personalidad.