Nagpahayag ng pangamba ang Department of Agriculture (DA) sa posibleng epekto ng umiinit na sigalot sa pagitan ng US at Iran sa sektor ng agrikultura ng bansa.
Ayon kay Agriculture Secretary Francisco Tiu Laurel Jr., maaaring magdulot ng matagalang pagtaas sa presyo ng langis ang tensyon, na direktang makaaapekto sa halaga ng petroleum-based fertilizers, freight costs, at fuel para sa farm machinery at bangkang pangisda.
Binanggit din niya ang Strait of Hormuz, kung saan dumadaan ang malaking bahagi ng suplay ng langis sa mundo. Anumang disruption dito ay maaaring magpataas ng global crude prices at magdulot ng volatility sa commodity supply chains.
Dagdag ng kalihim, bilang import-dependent ang agricultural system ng Pilipinas, posibleng tumaas ang gastos sa fertilizer, wheat, at animal feed, na kalaunan ay makaaapekto sa presyo ng tinapay, manok, at baboy.
Patuloy umanong nagbabantay ang DA upang maprotektahan ang food security at mabalanse ang kapakanan ng producers at consumers. (report by Bombo Jai)















