Nagsimula ang pag-uusap ng US, Ukraine at Russia para tuluyang matapos na ang kaguluhan.
Isinagawa ang pagpupulong ng mga kinatawan ng tatlong bansa sa United Arab Emirates.
Ito ang unang trilateral working group meeting mula ng naganap ang full-scale na pag-atake ng Russia noong 2022.
Ang pulong ay isinagawa matapos ang pakikipagkita nina US special envoy Steve Witkoff at manugang ni US President Donald Trump na si Jared Kushner kay Russia President Vladimir Putin.
Magugunitang makailang ulit ng nagpatawag ng pulong ang US ng pulong para isulong ang ceasefire subalit ito ay nabigo dahil sa hindi pagkakasundo ng ilang mga kondisyon gaya ng pagsuko ng ilang mga lupain ng Ukraine.
Umaasa ang US na sa pinakahuling pulong ay magiging mabunga na ito para matapos na ang giyera.
















