-- Advertisements --

BUTUAN CITY – Matapos ang ilang araw na bigong paghahanap at pag-aresto sa gaming tycoon na si Charlie “Atong” Ang, inutusan ngayon ni acting Philippine National Police (PNP) chief PLt Gen. Jose Melencio Nartatez Jr, si Police Regional Office (PRO)-13 Director PBGen. Marcial Mariano Magistrado IV na imbestigahan kung may ari-arian o farm ito sa rehiyon ng Caraga.

Ito ay kasunod ng patuloy na pagtugis ng mga otoridad kay Ang, matapos na mailabas ang warrant of arrest laban sa kanya kaugnay ng isyu ng mga nawawalang sabungero.

Sa kanyang command visit sa Camp Rafael Rodriguez sa lungsod ng Butuan kahapon, inihayag ni General Nartatez na kahit pa sa inisyal na ulat ay walang ari-arian si Ang sa rehiyon, hindi pa rin nawawalan ng pag-asa ang heneral na may magbibigay ng impormasyon, lalo na kung nagtatago ito sa rehiyon—partikular dahil sa dami ng mga sabong enthusiasts sa lugar lalo na ngayong may patong na ito sa ulo na ₱10 milyong.