-- Advertisements --

CEBU CITY – Nagtala ng zero crime incidents ang Police Regional Office-7 (PRO-7) sa isinagawang fluvial procession nitong Sabado ng umaga, Enero 17, para sa 461st Fiesta Señor.

Personal na minonitor ni PRO-7 Director PBGEN Redrico Maranan ang seguridad sa lugar.

Isinagawa ang command and control operations gamit ang PRO-7 Communication Vehicle, na nagbigay-daan sa mabilis na koordinasyon at agarang pagtugon ng mga nakadeploy na yunit.

Ang maayos na daloy ng selebrasyon ay bunga ng epektibong security deployment at koordinasyon ng PRO-7 sa mga lokal na pamahalaan, partner agencies, force multipliers, at community volunteers na nakapuwesto sa mga daluyan ng tubig at pangunahing convergence areas.

Pinuri ni Maranan ang lahat ng katuwang sa matagumpay na operasyon at tiniyak na ipagpapatuloy ang mahigpit na safety at security measures, lalo na sa gaganaping solemn foot procession mamayang hapon.