-- Advertisements --

Pinaigting pa lalo ng Philippine Nationa Police (PNP) ang presensiya ng mga kapulisan sa mga komunidad bilang bahagi pa rin ng kanilang estratihiya sa pagpapanatili ng kaayusan at kapayapan.

Layon din nito na mailapit sa publiko ang mga serbisyong ibinibigay ng kanilang hanay hindi lamang para sa seguridad ngunit maging sa paglban ng mga kriminalidad.

Ayon kay PNP Chief PGen. Rommel Francisco Marbil, ang pagtatalaga ng mga pulis sa mga komunidad ay nagpapalakas ng tiwala at kumpiyansa ng publiko sa kanilang hanay bilang tagapagtaguyod ng mga batas.

Kasunod nito ay iniutos ng hepe ang mas madalas na foot at mobile patrols sa mga matataong lugar, mga terminals, commercial centers at maging sa mga pook-pasyalan.

Aktibo ring pinapakilos ang mga force multipliers gaya ng mga barangay tanod, accredited civic volunteer organizations at iba pang mga katuwang sa mga lokal na pamahalaan.

Samantala, pagtitiyak muli ni Marbil, bawat mamamayan ay mananatiling ligtas at ang mga komunidad ay mananatiling mapayapa basta andyan ang kapulisan.