Inimbitahan ni Philippine National Police (PNP) Chief PGen. Nicolas Torre III si Vice President Sara Duterte sa National Headquarters ng PNP upang ipakita ang paggamit ng makabago at modernong teknolohiya sa pagkasa ng mga police operations at para sa mas mabilis na police response ng kanilang hanay.
Ito ay matapos na batikusin ng Bise Presidente ang inisyatibo ng liderato ni Torre bilang bagong hepe ng organisasyon na pagppaigting at pagppalakas ng police visibility ng kanilang hanay sa mga lansangan sa buong bansa bilang ‘outdated’ na stratehiya ng mga pulis sa kanto.
Kasunod nito ay inimbitahan ng hepe ang Pangalawang Pangulo upang persosnal na makita aniya nito kung pano nila ginagagamit ang kodernong approach sa mga matagumpay na pagresponde ng mga pulis sa mga emerhensiya ng publiko.
Dagdag pa ng hepe, mayroon silang mga makabagong kagamitan gaya ng drone, CCTV cameras at maging mga body cameras at iba pang mga kagamitan upang matiyak na magiging mas mabilis at accurate ang magiging pagrespoinde ng kanilang kapulisan sa mga itinatawag ng publiko sa kanilang 911 emergency hotline.
Samantala, sa kabila ng mga naging batikos na natanggapa ng inisyatibong ito mula sa pangalawang pinakamataas na opisyal ng bansa, patuloy na gagawing proyoridad ng PNP ang pagpapalakas pa ng police visibility at maging ang kanilang mabilis na pagresponde sa mga pangangailangan ng taong bayan.