-- Advertisements --

Nagpaalala at nagbigay rin ng babala ang Department of Energy (DOE) para sa mga gas stations na magpapatupad ng ‘advance price hikes’ sa kani-kanilang mga produktong krudo at gasoline.

Ayon sa DOE, posibleng mamultahan ang mga oil companies at mga retailers na magpapatupad agad ng taas-presyo ng walang anunsyo mula sa kanilang tanggapan.

Kasunod nito ay nanawagan rin ang DOE sa mga law enforcement agencies gaya ng Philippine National Police (PNP) para sa pagpapalakas at pagpapatibay din ng kanilang mga price monitoring upang maiwasan ang profiteering at pananamantala ng ilang mga gas stations.

Nito namang Sabado, nagumpisa na ang ahensya katuwang ang pulisya na magsagawa ng kanilang mga inspeksyon sa mga gas stations sa buong bansa upang matiyak na walang lumlabag sa polisiya na ito.

Samantala, siniguro naman ng DOE na mananatili silang nakabantay at magsasagawa ng mga price monitoring para maprotektahan ang mga konsyumers at matiyak ang patas na market prices para sa mamamayang Pilipino.