Iniulat ng Philippine National Police (PNP) na generally peaceful ang naging pagbubukas ng mga paaralan sa buong bansa kahapon para sa school year 2025-2026.
Inihayag ni PNP Chief PGen. Nicolas Torre III na naging ligtas at mapayapa ang naging unang araw ng pagbabalik-eskwela ng mga estudyante at nangakong mas paiigtingin pa ang police visibility sa mga paralan sa mga susunod pang araw.
Maituturing rin na naging matagumpay ang pagbubukas ng mga paaralan sa tulong ng mga ahensya, lokal na pamahalaaan, mga pulis, mga guro, at maski mg magulang.
Kasunod nito ay pinagtibay din ni Torre na patuloy ang kanilag pakikipagugnayan sa mga aralan para naman matiyak na mabibigyan ng sapat na proteksyon ang mga estudyante sa buong bansa.
Samantala, patuloy naman ang nagiging mahigpit na koordinasyon at pakikipagdayalogo ng PNP sa Department of Education (DepEd) para masiguro na magiging ligtas ang mga mag-aaral sa loob o maski sa labas man ng kanilang mga pamantasan.