-- Advertisements --
Patay ang tatlong katao matapos ang pagsabog ng isang truck na may kargang mga gasolina sa Santiago, Chile.
Ayon sa mga kapulisan na mayroong 10 iba ang nasugatan sa nasabing insidente.
Maraming sasakyan din sa paligid ng kalsada ang nagtamo ng matinding pinsala dahil sa nasabing pagsabog.
Inaalam pa ng mga otoridad ang pinakasanhi ng aksidente.












