-- Advertisements --
Nakatakdang magkita sina Pangulong Ferdinand Marcos Jr at dating Vice President na ngayon ay Naga City Mayor Leni Robredo.
Ayon kay Communications Undersecretary Claire Castro, bibisitahin kasi ng pangulo ang anti-flood operations sa Sagop Creek sa Naga City sa araw ng Sabado, Pebrero 21.
Dagdag pa ni Castro na doble kayod ang Department of Public Works and Highways (DPWH) para maibsan ang pagbaha sa Naga ganun din sa parehas na proyekto sa Cebu at Bacolod.
Itinanggi rin in Castro na may bahid na pulitika ang pagbisita ng Pangulo sa Naga City.
Hindi rin masabi ni Castro kung ano ang maaring pag-usapan ng dalawa sa kanilang pagkikita.















