Malugod na inanunsyo ng Philippine National Police (PNP) na matagumpay na napababa ng pulisya ang focus crimes nitong Enero ng kasalukuyang taon na bumaba ng halos 24.32%.
Ayon kay PNP Chief PGen. Jose Melencio Nartatez Jr., sa kabuun ng Enero, nakpagtala ng 2,449 na mga krimen ang pulisya na hamak na mas mababa sa naging tala sa parehong buwan nitong 2025 na mayroong 3,236.
Kasama sa mga krimen na pinakatinututukan ngayon ng pulisya ay ang murder, homicide, physical injury, rape at maging ang carnapping.
Samantala, ang naging pagbaba naman ng krimen ngayong tao ay inaasahan na dahil na rin s pinaigting na seguridad at dami ng naaresto busod ng mas pinalakas na kampaniya ng PNP sa kriminalidad at pagpapanatili na rin ng kaligtasan at kaayusan sa mga komunidad.
















