-- Advertisements --

Boluntaryong sumuko sa Criminal Investigation and Detection Unit (CIDU) ng Camp Karingal ang kilalang social media personality na si Ka Eric Celiz kaugnay ng kasong inciting to sedition.

Ito ay matapos maglabas ng warrant of arrest ang Quezon City Regional Trial Court Branch 100 laban kay Celiz.

Pagdating sa himpilan, binasahan siya ng kanyang mga karapatan sa ilalim ng Miranda Rights bago isinailalim sa mga kinakailangang proseso at documentation.

Ayon sa korte, ang kasong kinahaharap ni Celiz ay bailable, at itinakda ang kanyang bail bond sa halagang P36,000.

Ang pagsuko ni Celiz ay naganap ilang araw matapos lumabas ang warrant, at inaasahang haharap siya sa mga susunod na pagdinig kaugnay ng kaso.

Sa kasalukuyan, patuloy na binabantayan ng mga awtoridad ang sitwasyon habang nakatakdang ipagpatuloy ang legal na proseso.