-- Advertisements --
Pagkakulong ng habambuhay ang naging hatol sa lalaking namaril at nakapatay kay dating Japanese Prime Minister Shinzo Abe.
Una ng naghain ng guilty plea ang suspek na si Tetsuya Yamagami noong nakaraang taon matapos ang pamamaril kay abe noong 2022 sa Nara City.
Ipinagtanggol ng abogado ng suspek kung ito ay biktima umano ng “religious abuse”.
Labis kasi ang pagiging deboto ng ina ng suspek sa Unification Church kung saan lahat ng yaman nila ay napunta sa simbahan.
Nalaman na lamang ng suspek na ang kanilang Simbahan ay pinapatakbo umano ng dating prime minister.















