-- Advertisements --

Pinabulaanan ni Deputy Speaker at National Unity Party (NUP) Chairperson Ronaldo Puno na nakipagpulong ang kanilang partido sa liderato ng Kamara hinggil sa impeachment laban kay Vice President Sara Duterte, kasabay ng pag-amin na posibleng mauwi sa conscience vote ang desisyon ng kanilang mga miyembro.

Nilinaw ni Puno na walang naganap at walang planong dayalogo ang NUP kina Speaker Faustino Bojie Dy III at Majority Leader Ferdinand Alexander Marcos.

Iginiit ng mambabatas na ang posisyon ng partido ay nakadepende sa ebidensya at hindi sa anumang pressure.

Bagamat una nang sinabi ng NUP na malabong paboran nila ang reklamo dahil walang bagong ebidensya, hati ang pananaw ng kanilang mga miyembro.

Kinontra ito ni Senior Deputy Majority Leader Lorenz Defensor na naniniwalang may sapat na batayan ng betrayal of public trust kaugnay sa ginawang livestream ng bise presidente.

Sa kasalukuyan, dalawa na lamang sa apat na impeachment complaints ang nananatiling buhay sa Kamara.