-- Advertisements --

Nagsagawa ng inspeksyon ang Department of Public Works and Highways ngayong araw sa lungsod ng Marikina partikular sa flood control project.

Sa pangunguna ni Sec. Vince Dizon, kasama pati Marikina City Mayor Maan Teodoro at 1st District Rep. Marcelino Teodoro, kanilang inikot ang Barangay Santo Nino sa lungsod.

Ayon sa kalihim, natatagalan ang konstruksyon sa ng Pasig-Marikina River Channel Improvement Project dahil sa kakulangan ng pondo.

Hindi pa aniya ganap na napapakinabangan ang buong kapasidad ng drainage system sapagkat hindi pa konektado sa flood control ng lungsod.

Kung kaya’t binigyang diin ni Sec. Dizon na mahalagang ito’y matapos upang mapalakas ang kakayahan ng ilog sa pagbagsak ng tubig-ulan.

Target ng kagawaran na makahanap ng karagdagang pondo bago magsimula ang tag-ulan para maibsan ang matinding pagbaha maging sa karatig lugar.