-- Advertisements --
Ikinabahala ng World Health Organization (WHO) ang ginawang pag-atake ng Israel sa oil facilities ng Iran.
Ayon kay WHO chief Tedros Adhanom Ghebreyesus , mayroong negatibong epekto ito sa kalusugan lalo na sa mga bata at mga may edad na.
Isa sa mga inihalimbawa nito ay mayroong pagkakataon na ma-contaminate ang kanilang pagkain, tubig at maging ang hangin.
Magugunitang kinumpirma ng Iran na tinamaan ang ilang oil facilities nila sa Tehran at kalapit na probinsiya na Alborz na tinarget ng pinagsamang puwersa ng US at Israel.
Gumanti naman ang Iran kung saan naglunsad sila ng mga missiles at drones at tinarget ang mga ilang energy infrastructures sa malapit na Arab Gulf states.















