-- Advertisements --

Tinawag ni US President Donald Trump na isang malaking kamalian ang pagpili nila kay Mojtaba Khamenei bilang bagong supreme leader ng Iran.

Pinili nila ang Khamenei matapos na masawi ang ama nito sa inilunsad na pinagsamang airstrikes ng US at Israel.

Una ng isinalarawan ni Trump ang bagong supreme leader bilang “light weight”.

Giit nito na target ng US na makumpiska ang langis ng Iran.

Una rito ay sinabi ni Trump na dapat ay kasama siya sa pagpili ng bagong supreme leader ng Iran.