-- Advertisements --

Sinadya ni dating senador Ramon “Bong” Revilla Jr. na magdala ng sariling damit at gadgets sa Quezon City Jail, ngunit agad itong ipinagbawal ng jail personnel, ayon sa BJMP.

Binigyan si Revilla ng dilaw na uniporme, jogging pants, dagdag na damit, at hygiene kit, ang karaniwang gamit para sa detainees.

Si Revilla ay ikinulong habang nahaharap sa kasong malversation kaugnay ng P92.8-milyong ghost flood control project sa Bulacan, kasama ang apat niyang co-accused.

Ang limang bagong detainees ay inilagay muna sa medical quarantine at classification bago isama sa general population, at hindi bibigyan ng special treatment. Ang kanilang daily food allowance ay P100, tulad ng ibang detainees.

Ang Quezon City Jail ay may 47-sqm cells na may bunk beds, toilet, shower, lababo, at ceiling fans, at kayang mag-accommodate ng hanggang 10 detainees bawat selda. (report by Bombo Jai)