Pinagtibay ng mga judges ng International Criminal Court (ICC) Appeals Chamber ang desisyon ng Pre-Trial Chamber na dapat ay manatili pa rin sa kulungan si dating Pangulong Rodrigo Duterte.
Ayon sa ICC, na ang Appeals Chambers ay kanilang ibinabasura ang lahat ng mga argumento ganun ang ground of appeals ng mga abogado ni Duterte.
Nakakuha ng unanimous voting ang five-person Appeals Chamber para tuluyang ibasura ang hiling ng depensa sa Pre-Trial Chamber.
Sa inilabas na pahayag, na bigo ang Depensa na tukuyin ang mga pagkakamali ng Pre-Trial Chamber kung saan ibinase Panel of Experts para magbigay ng pinakabagong update sa kalusugan ni Duterte.
Ikinonsidera din ng panel of experts ang dalawang ulat ukol sa kondisyon ng kalusugan ng dating pangulo na inihanda ng medical practitioners at pinili ng defense team.
Mula pa noong Marso 12, 2025 ay nakakulong na sa ICC sa The Hague ang dating Pangulo dahil sa kasong war against humanity sa kampanya nito sa iligal na droga mula noong ito ay alkalde ng Davao City hanggang maging Pangulo ng Pilipinas.
















