Nasungkit ni Carlos Yulo ang unang gintong medalya ng Pilipinas sa 20th Asian Games matapos magkampeon sa men’s floor exercise final nitong Huwebes sa Nagoya City General Gymnasium.
Nagtala si Yulo ng 14.666 para makuha ang gold medal, habang silver si Milad Karimi ng Kazakhstan at bronze si Shoma Tsukiyama ng Japan.
Nagtala naman ng 12.223 puntos ang kanyang nakababatang kapatid na si Karl Eldrew Yulo at nagtapos sa ikapitong puwesto sa kanyang Asian Games debut.
Ito ang unang Asian Games gold ng Pilipinas sa artistic gymnastics at panibagong malaking tagumpay para kay Yulo, matapos ang dalawang gintong medalya nito sa 2024 Paris Olympics.
May pagkakataon pa si Yulo na dagdagan ang kanyang medalya sa vault at parallel bars finals sa Setyembre 25.
















