Nanindigan ang isa sa mga bumuo ng 1987 Constitution na tama ang naging desisyon ng Senate Impeachment Court na huwag nang isama sa voting threshold ang mga senador na kasalukuyang nakakulong o hindi nakakadalo sa impeachment trial laban kay Bise Presidente Sara Duterte.
Paliwanag ni Atty. Christian Monsod, ang mga senador na nakakulong dahil sa kasong plunder ay nawawalan ng kapangyarihan at karapatang bumoto sa pinal na paghatol ng korte.
Dahil dito, itinuturing na lamang silang senador sa pangalan ngunit hindi sa tungkulin, kung kaya’t nararapat lamang na alisin sila sa denominator na batayan ng pagtitiyak sa kinakailangang boto para sa conviction o acquittal.
Binigyang-diin ng batikang abogado na ang interpretasyon sa probisyong dalawang-katlo ng lahat ng miyembro ng Senado ay maaaring magbago batay sa tunay at legal na sitwasyon ng mga kasapi nito.
Idinagdag pa ni Monsod na walang nilabag na probisyon sa Saligang Batas si Trial Presiding Officer Chiz Escudero at ang buong impeachment court, dahil binigyang-linaw lamang ng lupon ang tamang pagtutuos ng bilang ng mga tagahatol.
















