Nilinaw ni Senate Blue Ribbon Committee Chairman Sen. Panfilo “Ping” Lacson na hindi nila sinusubukang idawit si House Speaker Martin Romualdez sa imbestigasyon ng flood control anomaly.
Ito ay kasunod ng pagharap ng dalawang testigo na naglahad ng umano’y koneksiyon ng dating House Speaker sa kontratistang di Curlee Discaya.
Amiando ang Senador na hindi sapat ang mga testimonya ng dalawa upang idawit si Romualdez, sa pagdinig ng Senate Blue Ribbon Committee nitong Lunes.
Ayon kay Lacson, maaari lamang itong ituring bilang isang lead. Bukod dito, itinanggi na rin ni Curlee Discaya ang sinasabing koneksyon, kaya’t wala umanong matibay na batayan sa ngayon.
Una rito, mariing itinanggi ni Discaya ang alegasyon at iginiit kailanman ay hindi pa siya nakakapunta sa South Forbes Park at wala siyang kaalaman sa mga bahay doon.
















