Itinuturing ng aktres na si Nadia Montenegro na isang regalo ngayong Women’s Month ang panalo niya sa pagsampa ng kaso laban sa security staff ng senado.
Pinayagan kasi ng Pasay City Prosecutors’ Office ang pagsampa ng kasong unjust vexation laban sa security officer.
May kinalaman ang nasabing insidente noong 2025 kung saan pinaratangan ang aktres na gumagamit ng iligal na droga habang nasa loob ng palikuran ng Senado.
Sa resolution na inilabas ni Senior Assistant City Prosecutor Ju-Haree De Tolentino ay inirerekomenda nito ang pagsampa ng mga kasong unjust vexation case at a violation of Republic Act 11313, o kilala bilang Safe Spaces Act laban sa Security officer ng Senado.
Magugunitang noong Agosto 12, 2025 ay sinita siya ng security officer sa Hallway ng Senado matapos na gumamit ng palikuran kung saan hinila siya at tinanong kung gumamit ito ng marijuana.
Ipinakita ng aktres ang laman ng kaniyang bag maging ang vape para mapatunayan na walang laman na iligal na droga ito.
Subalit naghain pa rin ng incident report ang security officer kung saan ito ay nag-leaked at kumalat sa social media.
Dahil sa insidente ay nagbitiw ang aktres sa pagiging isa sa staff ni Senator Robin Padilla.
















