-- Advertisements --

BUTUAN CITY – Ikinadismaya ng 40 complainants ang resulta sa impeachment hearing laban kay Vice President Sara Duterte kahapon matapos naset-aside ng House Committee on Justice ang kanilang reklamo na nakabase umano sa “betrayal of public trust.”

Ayon kay France Castro, dating Representative ng Alliance of Concerned Teachers o ACT Party-list, na wala silang nalabag sa konstitusyon pati na sa house rules sa pag-file sa complaint noong Pebrero 6, 2026, ngunit dinismiss ito dahil sa one-year bar rule ng Supreme Court.

Ang Makabayan bloc na siyang nag-indorso sa reklamo umamin na may conflict sa interpretasyon sa reckoning date at sa pagbago ng Supreme Court sa defintion ng session days hanggang sa calendar days.

Pahayag pa ni Castro, na ang desisyon sa 2025 na nagsalaysay sa technical na problema sa impeachment complaint sa Senado na siyang ginamit na basehan sa pagbasura ng reklamo, kahit na binago ng korte ang reckoning date sa Enero 15, 2028.

Kaugnay nito ay kinuwestiyon rin ang legal na basehan sa pagbasura sa kanilang impeachment complaint.