-- Advertisements --

Epektibo na ngayong Sabado, Setyembre 26, ang Php 60 na dagdag sa arawang sahod ng mga minimum wage earner sa Metro Manila.

Ayon kay Department of Labor and Employment (DOLE) Secretary Francis Tolentino, aabot sa 1.1 milyong manggagawa ang makikinabang sa bagong Wage Order No. NCR-28.

Sa ilalim ng kautusan, tataas mula Php 695 sa Php 755 ang arawang minimum wage ng mga manggagawa sa non-agricultural sector, habang mula Php 658 sa Php 718 naman para sa agricultural sector at ilang maliliit na negosyo. Katumbas ito ng karagdagang P1,560 kada buwan para sa mga manggagawang pumapasok nang 26 na araw.

Inatasan naman ng DOLE ang lahat ng employer sa Metro Manila na sundin ang bagong wage order at tiyaking maipatutupad ang dagdag-sahod.

Matatandaang naunang nasuspinde ang P85 na dagdag-sahod sa NCR matapos magpalabas ng injunction ang Pasig City Regional Trial Court kasunod ng petisyon ng ilang construction firm.