-- Advertisements --

Mayroong mahigit 1,000 mga overseas Filipino workers (OFWs) ang nagpahayag ng intensiyon na makauwi sa Pilipinas dahil sa lumalalang tensiyon sa Gitnang Silangan.

Ayon kay Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) Administrator Patricia Yvonne Caunan, na mayroong kabuuang 1,189 na OFW mula sa iba’t-ibang bahagi ng Gitnang Silangan.

Kinabibilangan nito ng 278 mula sa Bahrain; 246 naman sa Abu Dhabi; 231 mula sa Dubai; 173 mula sa Qatar; 62 mula sa Kuwait; 46 mula sa Israel at lima mula sa Lebanon.

Patuloy din ang ginagawa nilang monitoring sa ilang lagay ng mga Pinoy doon.

Magugunitang inatake sa pamamagitan ng joint operations ng US at Israel ang Iran nitong nakaraang Sabado.