-- Advertisements --

Suportado ng Tingog Partylist ang mungkahi ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr.  na humingi ng kapangyarihan sa Kongreso para pansamantalang suspindihin ang excise tax sa gasolina, kasabay ng patuloy na pagtaas ng presyo ng langis sa buong mundo dahil sa patuloy na labanan sa Middle East.

Ayon kay Tingog Partylist Rep. Jude Acidre nararapat na seryosong pag-aralan ang panukala upang maibsan ang epekto sa mga pamilyang Pilipino, transport workers, magsasaka, at maliliit na negosyo. 

Sinabi ni Acidre, isa ito sa mga hakbang ng pamahalaan upang protektahan ang mamamayan mula sa biglaang pagtaas ng presyo ng langis.

Ipinahayag ni Acidre na patuloy nilang susuportahan ang mga polisiyang nagbibigay proteksyon sa mga pamilya, manggagawa, at sektor ng negosyo laban sa biglaang pananalapi o pang-ekonomiyang epekto.