-- Advertisements --

Walang itinaas na tsunami warning ang Pilipinas matapos ang pagyanig ng magnitude 6.5 na lindol sa Alaska.

Ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS) tumama ang lindol ng 1:55 ng umaga nitong Huwebes, Marso 5 sa Rat Islands, Aleutian Islands sa Alaska.

May lalim ang nasabing lindol na 42 kilometers.

Dahil dito ay walang epekto ang nasabing lindol sa bansa.