-- Advertisements --

Nadagdagan pa ang mga bansang sumali sa “Board of Peace” na itinataguyod ni US President Donald Trump.

Sumali na ang mga bansang Pakistan, Egypt, Jordan, the United Arab Emirates, Indonesia, Turkiye, Saudi Arabia at Qatar.

Ang nasabing “Board of Peace” sa Gaza Strip ay siyang magdadala ng permanenteng ceasefire sa Palestine.

Ayon sa mga foreign minister ng mga nabanggit na bansa, nakita nila ang magandang layunin nito para tuluyang matapos ang genocidal war ng Israel sa mga Palestino na nasa Gaza.