-- Advertisements --

Ibinunyag ng Kuwaiti air defense na kanilang naharang ang ilang missiles at drones.

Ayon sa Kuwaiti army na ilang mga missiles at drones ang napasabog sa ere ng kanilang national air defence systems.

Pinayuhan nila ang mga residente na agad na sumunod sa mga paalala ng mga opisyal.

Iniulat din ng Qatar Defense Ministry na naglunsad ang Iran sa kanila ng siyam na ballistic missiles at ilang drones.

Halos lahat ng mga ito ay kanilang naharang maliban lamang sa isang missiles na tumama sa bulubunduking lugar nila.