Nananatiling stable pa at walang anumang nakikitang pagtaas ang Department of Trade and Industry sa presyo ng mga pangunahing bilihin.
Kasunod ito sa pangamba ng karamihan na magtataas ang presyo ng mga bilihin matapos ang pagsipa ng presyo ng mga produktong petrolyo dahil sa nararanasang krisis sa Gitnang Silangan.
Ayon sa DTI na wala silang namonitor ng anumang abnormal na paggalaw ng presyo ng mga pangunahing bilihin sa isinagawa nilang monitoring mula sa 172 na mga establishimento.
Sinabi naman ni Trade Assistant Secretary Regino Mallari Jr, na tiniyak sa kanila ng mga pangunahin manufacturers ng mga pangunahing produkto na aabot pa sa dalawang buwan ang inventory ng kanilang produkto.
Sakaling matuloy ang pagsuspendi ng excise tax sa mga produktong petrolyo ay magkakaroon ng epekto ito sa mga pangunahing bilihin ng mula 2 hanggagn walong porsyento na pagtaas.
















