-- Advertisements --

Nagtungo sa Moscow, Russia si Central Intelligence Agency (CIA) Director John Ratcliffe.

Layon ng biyahe nito ay para makipagpulong sa ilang opisyal ng Russia.

Hindi naman na nagbigay ng anumang impormasyon ang CIA ukol sa nasabing biyahe.

Una ng hiniling ng US sa Ukraine na tigilan na nito ang drone at missile strikes sa Moscow.

Sinabi naman ni Kremlin spokesperson Dmitry Peskov na hindi nakipagpulong ang CIA Director kay Russian President Vladimir Putin at ang pagbisita niya ay isang uri ng special services.

Ito ang unang biyahe ng isang CIA director sa ilalim ng pamumuno ni US President Donald Trump matapos ang negosasyon para tuluyang matapos ang giyera sa pagitan ng Russia at Ukraine.