-- Advertisements --

Ikinagalak ng Iran ang bukas na pagtanggap ng kanilang national wrestilng team na nasa United States.

Lalahok ang Iranian Greco-Roman team sa U23 World Wrestling Championships na gaganapin sa Las Vegas.

Dumating ang grupo sa New York at sila ay bukas na loob na tinanggap doon.

Nitong Martes ng inaprubahan ng US ang visas ng buong Iranian delegation maliban sa isang coach na nagkaroon ng problema sa kaniyang mga dokumento.