Pormal ng natanggap ng Philippine Air Force (PAF)ang huling pitong S-70i Black Hawk helicopters.
Ang nasabing pitong Black Hawk helicopters ay bahagi ng 32 unit acquisition program na binili ng gobyerno mula sa PZL Mielec ng Poland.
Dahil dito ay mayroon ng kabuuang 47 na S-70i Black Hawk ang PAF na siyang nagdadala sa Pilipinas na may pinakamaraming uri ng helicopter sa buong Asya.
Isinagawa ang turne over at blessings ng nasabing pitong helicopters sa 250th Presidential Airlift Wing Hangar sa Villamor Air Base sa Pasay City nitong Miyerkules, Agosto 26.
Pinangunahan ni PAF Commanding General Lt. General Arthur Cordura ang pagtanggap ng nasabing helicopters.
Ang 32-unit acquisition ay naikontrata noong 2022 sa ilalim ng modernization programng Armed Forces of the Philippines (AFP).
Sinabi pa Cordura na napunan na ng patagal na kakulangan ng combat utility helicopter capability ng Philippine Air Force.
Taong 2019 ng pinirmahan ng PAF ang kontrata para sa 16 na S-70i Black Hawks na ito ay naideliber na mula 2020 hangang 2021.
Ginamit ang mga ito para sa humanitarian assistance ganun din sa pagresponde sa mga kalamidad at relief operations noong nanalasa ang bagyong Odette.
Habang noong 2022 ay pinalawig nila ang pagbili at pinirmahan ang 32 na dagdag na S-70i helicopters na naideliver mula 2024 hanggang 2026.















